Saturday, June 8, 2013

Libre, Libre... sino ang may gusto ng libre?

Magandang umaga!

Marami naman talgang libreng makikita pero sa totoo lang hindi kailangan maging garapal sa pagkuha nito. Ilagay lang sana sa ayos at lahat ay magiging mas masaya. 


1. Sa opisina namin, libre ang ...

tissue, pero hindi ibig sabihin nito ay kumuha ka ng marami. Kumuha ka lang ng kaya mong gamitin sa isang araw (o isang linggo kung lingguhan ang deliver nito sa inyo) Iwasan ang pagkuha ng napakarami. Hindi na iyon maganda. Marami pa rin ang kailangan ma-supplayan nun. Wag maging balasubas. 

scap paper.. marami nito sa opisina. Pwede mong ipa-bind sa mga utility personel. 

ballpen, ako ay laging may black at red ballpen sa bag ko. Matagal din bago maubos. Mahigit sa 3 minsan pa nga 4 na buwan bago maubos. 

tubig, may water dispenser din kami. Pwede kang magdala ng water bottle (yung personal size lang) at punuin bago ka umalis para meron kang maiinom sa biyahe. 

*Tandaan, lahat ng mga bagay sa opisina ay inilagay para sa iyo at para mga ka-officemate mo. Hindi ito para sa anak mo at para sa kapatid mo. Hindi ito rin ito supply para sa bahay nyo. Iwasan ang pagkuha ng marami. 


2. Sa fastfood libre ang...

Condiments at tissue. Yung mga binibigay sa akin na ketchup na hindi ko naman nauubos ay iniuuwi ko na lang sa bahay. Palagay ko marami na ring gumagawa nito. 

3. Sa hotel libre ang...

Toiletries, eto yung mga maliliit na shampoo, conditioner at kung anu-ano pa. Sa aking palagay ay pwede naman itong kunin. Iwasan ang pagkuha ng souvenir. Hindi libre ang twalya, unan, kubyertos at kung ano pa ang maisip mo...

4. Sa ibang supermarket, libre ang...

foodtaste! May ibang mga supermarket na nagbibigay ng sample sa mga mamimili nila. Libreng foodtaste ng noodles, ice tea, ice cream, luncheon meet, juice, gatas, crackers, keso at kung anu-ano pa. 

5. Sa LRT, libre ang..

Libre, yung tabloid ng Inquirer. Minsan pag matyempuhan mo ang product launching mardami din silang binibigay. Ang mga nakuha ko na ay powdered na sabon, sanitary napkin, conditioner, shampoo, at crackers. 



Sa  lahat ng mga libre na ito, tandaan na maraming tao ang dapat na makinabang. Iwasan ang pag-hoard. Hindi itong magandang tignan, Kung tutuusin kaya mo namang bilhin ang mga yan. Sa personal ko na opinyon, nakakababa ng dignidad ang pagkuha ng marami. Be classy, people.