Palagay ko marami na rin namang nagbabaon ng pagkain para sa tanghalian.
Malaki ang matitipid mo rito. Kasi ang kadalasan ang pagkain sa labas ay nasa Php50. Kung sa mga Mcdonald's, Jollibee o KFC naman pwedeng umabot ng Php100.
Ako naman ay kapag may ulam na galing sa bahay, yun na lang din ang dinadala ko at sa 711 na lang ako bumibili ng kanin.
Nakakatuwang isipin na marami ka ng natipid. Mainam ng magtipid ngayon sa mga bagay na kaya naman pagtyigaan kesa mangailangan ka ng malaking pera sa hinaharap tapos wala ka namang mapagkukunan.
Kahit paunti-unti ang natitipid mo, lalaki rin yan.
Siguro maganda ay mag-set ka ng allowance mo kada linggo. Pagpalagay mo na Php1750. Tapos pagkatapos ng isang buwan, bigyan mo ng reward ang sarili mo mula sa natipid mo. Pero kung ikaw ay makakapag-intay, mukhang maganda kung sa Disyembre mo na lang kunin lahat para medyo malaki.
Eh pag Disyembre pa naman ay naka-sale na halos lahat ng mga malls.
Possibleng gawin!
Mindful spending. Informed decisions. Minimalism and sustainability. We all could use a dose of it. So, here's me starting my journey to living a simple and fruitful life. I hope you learn something useful
Thursday, September 19, 2013
Wednesday, September 18, 2013
Stock Market
Magandang umaga!
Nung mga nakaraang araw nakita natin na tumaas ang PSEI mula sa pagkakabagsak nito ng ilang araw.
Ngayon magandang malaman kung ano ang magiging resulta ng pagpatuloy na pagbili ng Fed ng US Treasury. Tataas? Baba?
Sa totoo lang, hindi ako magaling manghula. Noong una ang ginagawa ko ay bumibili lang ako ng pakonti-konti para hindi masyadong masakit sa puso kung biglang bumaba ang value ng stock ko.
Meron kasing mga tao na, nakakaya nila ang stress. Ako kasi, iniisip ko pa lang kung gaano ko katagal pinaghirapan yung pera na iyon ay nai-istress na ako.
Nagpapabalik-balik ako sa pag-isip na mukhang mas maganda na ilagay ko na lang sa Equity Fund ng BDO ang pera ko. Kasi kung ang plano ko rin naman talaga ay mag-cost averaging, mukhang mas maayos at less stressful ang pag gamit ng EIP program ng BDO. Otomatik na nilang ibabawas (buwan-buwan) sa Savings account mo ang pera na ipambibili nila ng units.
Pero siguro mag-iiwan na lang muna ako ng mga 200k sa Stock market para sa day trading. Napakahirap na maiipit ang pera mo lalo na kung kailangan mo.

Thursday, September 12, 2013
BDO credit card promo August 20-October 31, 2013
Magandang umaga!
Matagal-tagal na rin pala akong hindi naka daan dito.
Kakasimula lang ng Ber months at ang pasko ay nasa kabilang tabi na lang.
Pag pasko pa naman at maraming mga bagay na mas mura binebenta ng mga mall at department stores.
Alam ko nahuli ko na itong sasabihin pero magandang opurtunidad na makakuha ng mga GC sa Bench at SM ngayon.
Mayroong promo ang BDO sa kredit kard nila.

PARTNER STORE | TREAT | SPEND REQUIREMENT |
The SM Store | P 100 SM Gift Pass | P 3,000 |
Bench | P 200 Gift Certificate | P 6,000 |
S & R* | P 500 Gift Certificate | P 15,000 |
*S & R Promo Period is from August 20 – October 20, 2013.
Magmadali at hanggang sa katapusan na lang ng Oktubre ang promo.
Maaari din palang makakuha ng 100 SM GC pag bumili ka sa SM Hypermarket ng halagang 1500 at gamitin lang na pambayad ang Visa Atm kard mo. (Iba ito sa kredit kard ha. )
Kaya tara ng mag-ipon ng GC! at gamitin natin sa pasko. ^_^
-Maria
Subscribe to:
Posts (Atom)