Friday, May 17, 2013

Ano ang pinakamagandang kredit kard?


Ito ay base lang sa mga nakukuha na mga regalo at malilit na pabuya. Ito ay lilimitahan din natin sa mga classic  kards.

(Mawawalan ng saysay ang talaang ito kung hindi ka naman nagbabayad na kredit kard sa panahon na dapat mo itong bayaran. Mauubos lang ang pera mo sa mga idinadagdag nilang bayarin. )


Eto na ang listahan. Paumahin kung ako’y may nakaligtaan.










  1 credit card pt=php 50
·         1800 credit card points=250 BDO reward points
·         1800*50=90,000=250 BDO points
·         250/90,000= 0.277%

Ang points na nakukuha mo sa paggamit ng credit card ay pwede mong ipapalit para maging BDO Rewards Points. Bakit mo naman ito gagawin? Dahil ito ang pinakamadaling paraan para maging pera ang credit card points mo.

Base sa aking kalkulasyon, kailangan mong umutang ng 90,000 sa credit card para maipapalit ito sa 250 BDO Reward point. Isipin mo na lang sa bawat 1000 na i-charge mo sa card ay 2.77 pesos lang ang nakukuha mo pabalik.














·       
         1 point=20 pesos
·         20,000 points=500 SM GC
·         20,000*20=400,000=500 SM GC
·         500/400,000=0.125%

Ibig sabihin sa bawat 1000 na i-charge mo sa card ay 1.25 pesos lang ang nakukuha mo pabalik.









·         1 point=20 pesos
·         6,720 points=500 SM GC
·         6,720*20=134,400=500 SM GC
·         500/134,400=0.372%

Sa bawat 1000 na i-charge mo sa card ay 3.72 pesos lang ang nakukuha mo pabalik.












Rebate Card

Sabi sa website nila.


Essential Spend Rebate
Non-Essential Spend Amount
5%
Php10,000 and above
3%
Php5,000 to below Php10,000
0.5%
below Php5,000

Kasama sa “non-essential spend” ang pagbili ng damit, pagkain sa restaurants, na hindi ko naman madalas ginagawa. At kung kagaya ko rin kayo na hindi rin gumagastos ng malaki sa mga bagay na yun, edi sa 0.5% na ang bagsak natin.

Sa bawat 1000 na i-charge mo sa card ay 5.00 pesos lang ang nakukuha mo pabalik.











A. Citibank Cashback Card




Ngunit para mo makuha ang 5% para sa grocery kailangan mong mag-charge ng total na 10,000 pesos sa meralco atpb.

Halimbawa.


 
B. Citibank Rewards Card


·         Ito ay nagbibigay ng 5% pag bumili ka sa mga piling establishimento. Ang nakita ko na magagamit ko lang ay sa National Bookstore at Powerbooks.

·         Nagbibigay ng 3% sa department store ng SM, Robinsosns, Landmark atpb.

·         Nagbibigay ng 100 peso na diskwento sa sinehan.

















·         1 point=35 pesos
·         10,000 points=1,000 SM GC
·         10,000*35=350,000=1,000 SM GC
·         1,000/350,000=0.285%

Sa bawat 1000 na i-charge mo sa card ay 2.85 pesos lang ang nakukuha mo pabalik.





Kung ang titingnan lang natin ay ang rewards, masasabi ko na ang pinakamaganda ay ang Citibank. Malaki silang magbigay ng rewards. 



-Maria

Thursday, May 16, 2013

BPI Promo






May bagong promo ngayon ang BPI. 

Panahon na saklaw: Mayo 15-Hulyo 31, 2013

Eto ang pwede mong makuha. 

Min. Spend
Requirement
Choose from:
Pizza HutDairy QueenTaco Bell
P2,000
  • One (1) Personal Size Supreme Pan Pizza OR
  • One (1) Single Spaghetti Bolognese (w/o Meatballs)
  • Two (2) Dilly Bar OR
  • Two (2) 5oz. Cones
  •  Two (2) Affordabells
P6,000
  • One (1) Regular Size Supreme Line Pan PizzaOR
  • One (1) Regular Size Supreme Line Thin ‘N Crispy Pizza OR
  • Two (2) Single Spaghetti Carbonara
  • Five (5) Dilly Bar OR
  • Five (5) 5oz. Cones
  • Five (5) Affordabels OR
  • Three (3) Soft Taco (Beef/Chicken/Steak)
P12,000
  • One (1) Family Size Supreme Line Pan PizzaOR
  • One (1) Family Size Supreme Line Thin ‘N Crispy Pizza OR
  • One (1) Family Size Spaghetti with Meatballs
  • Five (5) 9oz. Blizzard OR
  • Ten (10) Dilly Bar OR
  • Ten (10) 5oz. Cones
  • Three (3) Fiesta Platter (A, B, or C) OR
  • Three (3) Grilled Stuft Burrito(Beef/Chicken/Steak)
Pizza Hut Pan Pizza Supreme Line/Thin ‘N Crispy Supreme Line includes: Supreme, Bacon Supreme, Hawaiian Supreme, Bacon Cheeseburger, Veggie Supreme.
Dairy Queen Blizzard includes: Oreo, Chocolate Chips, Strawberry Banana, Rocky Road
Taco Bell Affordabells includes:  Pocket wrap, BBQ Potato Bites, Beef Taquito, ¼ lb Beef combo burrito, Pinacolada slush, Nachos, Fun size cheese quesadilla, Cheese roll up, Crispy potato soft taco




























Para sa karagdagang impormasyon, marapat na bisitahin ang pahina na ito. 


Kredit Kard promos

Isang paraan din para makatipid ay ang pag alam sa mga promo ng mga kredit kard. Marami-rami na rin ang nakuha kong pagkain mula dito. 

3 kredit kard lang ang meron ako -BPI, Citibank at BDO. Kaya eto lang ang mga promo na tinitingnan ko. Eto lang din ang ilalagay ko dito. 

-Maria

Tuesday, May 14, 2013

Ikaw at ang iyong cellphone..

Napansin ko na malaki din ang nagagastos sa cellphone load. (pati na rin sa unit

Kung katulad nyo ako na ayaw gumastos ng malaki sa load, dapat nyong tingnan kung anu-ano ang ino-offer ng service provider  nyo. 

Ako kasi ay sa SMART. 









Ang naisip ko na sulit dito ay yung MEGA250 nila. Ano ang makukuha mo dito?

1. Pwede kang mag-text sa lahat ng network
2. 180 na minuto na tawag sa Smart/T&T/Sun
3. Internet 100mb

Lahat ito ay may validity  na isang buwan. 

May iba pang inaalok ang Smart pero ito ang pinakabagay sa akin.  

Naisip ko na rin dati na kumuha na lang ng post-paid plan pero masyadong malaki at hindi ko magagamit lahat ang pinakamababa nilang plan. Pero nasa inyo na rin kung yun ang naisip nyo na maganda. 

Hindi naman talaga kailangan ng sobrang mahal na cellphone. Marami naman na mura at pwede na. Isipin mo muna kung ano lang ang gamit mo dito. 


-Maria

PS.
Lahat ng trademark ay pag-aari ng kani-kanilang kompanya. Ginamit ito ng walang malisya at para ipaliwanang lang ang paksa. 

Wednesday, May 8, 2013

Paalam, Cacai....

Isa sa mga kakilala ako ang yumao na kanina. 

Siya ay 27.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala siya ng husto. Siguro dahil mas bata siya sa akin at hindi kami naging magka-klase kahit minsan sa kolehiyo. 

Ganun pa man, hindi ko maiwasan na malungkot. 

Nabalitaan ko na lang na may kanser siya nung makapagtapos siya sa kolehiyo. Mga 7 o 8 na taon din siyang lumaban. Pero sa bandang huli ay kinuha na din siya ng Diyos. 

Sa mga gantong pagkakataon, naiisip ko kung gaano kaikli ang buhay. Masyadong maikli para sayangin lang. Sa mga bagay na wala naman talagang kabuluhan. 

Kaya para sa iyo Cacai, sana magkaroon ng katahimikan at lakas na loob ang iyong magulang na harapin ang bukas na wala ka. 

Mami-miss ka namin. 

Tuesday, May 7, 2013

Pinansiyal na katayuan-katapusan ng Abril 2013

Inisip kong mabuti kung dapat ko itong ilagay.... Mukhang kailangan ko atang mag-ingles para dito... 

Assets
     Bank-         218,311.05
     UITF-         126,240.35
     Stocks       842,339.95
     MF                28,420.51

Receivables   239,000

Liabilities    22,570.25

Networth   1,431,741.61



-Maria

Ang SSS ng iyong magulang....

Kung ang mga magulang mo ay wala pang 60, palagay ko ay dapat mong asikasuhin ang SSS nila.

Kahit na sabihin natin na hindi naman ganuon kalaki ang nakukuha dito, iba pa rin na may nakukuha sila buwan-buwan. 

Tatlong taon na ang nakakalipas ng inasikaso ko ang SSS ng nanay at tatay ko. Gusto ko kasi na sa pagtanda nila ay may pera silang makukuha. 

Nalaman ko nung panahon na iyon na isang kontribusyon na lang at tapos na sa 240 (?) na kontribusyon ang aking ama. Sa nanay ko naman ay kailangan pa nya ang 5 taon para matapos. 

Naisipan ko na hulugan ang pinakamataas na braket para sa kanila. 

Nakakakuha na ng pension ang ama ko ngayon ng 5,000 buwan-buwan. Ang nanay ko naman ay 57 na ngayong taon at patuloy ko pa ding hinuhulugan ang SSS nya. 

Hindi ako hinihingan ng pera ng magulang ko. Walang pang pagkakataon na inobliga nila ako. Kahit pa duon ako sa kanila nakatira at walang binabayaran sa kuryente at tubig. 

Kaya ito ang naisip ko na paraan para kahit papaano ay may makuha sila sa pagtanda nila. 

-Maria

Monday, May 6, 2013

Nasaan ka Pag-Ibig? aka HDMI Fund

Napansin mo na ba sa payslip mo ang kinakaltas sa iyo buwan-buwan na php100?

Naisip mo na rin ba kung bakit, papano at saan ito?

Bago ka mainis, magalit o sumumpa ng kung sino, isipin mo na lang na nagbibigay din ng Php 100 ang kompanya na pinagtratrabahunan mo. Bale, 200 ang total na binibigay dito. 

Para saan nga uli ito?

Palagay ko marami ng nakakaalam na pwede kang umutang sa Pag-ibig na mababa lang ang interes. Ayon sa kanilang website http://www.pagibigfund.gov.ph/


May 2 klase ng Short Term Loan
1. Multipurpose Loan
2. Calamity Loan

Pwede ka ring umutang para sa pabahay. Hindi ko pa ito nagagawa kaya wala akong masasabi dito. Siguro mga 5 taon pa at uutang na rin ako para sa pabahay.  

At ang huli ay yung tinatawag nila na Provident Savings. Oo, dito nilalagay ang 100 pesos mo buwan-buwan. Kung ako ang tatanungin, dahil tinatapatan ng boss mo ang hinuhulog mo dito, ay para ka na ring nakakakuha ng libreng pera. Yun nga lang sa edad 60 mo pa ito makukuha. 

Gaano kalaki ba ang pinag-uusapan natin?



Ako'y bumisita sa isang Pag-Ibig office kamakailan at ayon dito sa binigay nila na papel, sa mahigit 5 taon kong pagtratrabaho sa isang kompanya ay 7,155 ang naihulog ko sa kanila. Dahil sa tinatapatan ito ng boss ko at may kinita rin na kaunti dividendo (?), ito ay naging 16,954. ibig sabihin ay meron kang matatanggap na "extra" na 9799. Hindi na rin masama diba?


Ano mga dapat tandaan?

Aking napag-alaman sa opisina ng Pag-Ibig na hindi centralized ang rekords nila. Ibig sabihin na kung sa Caloocan ka nagtratrabaho dati ay malamang dito din sa branch na ito naghuhulong ang opisina mo dati.

Kung maisipan mong lumipat ng trabaho sa Makati, kailangan ay ipa-transfer  mo din ang records mo sa Pag-Ibig branch nila duon. 

Bakit?

Dahil sa panahong pwede mo na siyang kunin (edad 60) ay mahihirapan kang hanapin ang rekords mo at iisa-isahin mo yang mga branches na yan. 

Na-engganyo ba kita na ayusin mo ang rekords mo?

-Maria

Friday, May 3, 2013

Magkano ang buwis na binabayaran mo?

Nag-uusap kami ng kasama ko sa trabaho....


Officemate: Mam, hindi na po ako mag-oovertime
Maria: Bakit naman? Di ba mas lumalaki ang natatanggap pag may OT?
Officemate: Yun na nga eh, konti lang ang nadadagdag.

Napaisip naman ako at nasabi ko sa sarili ko na tingnan ko kung kaya kong patunayan kung ganun nga ang nangyayari.

Base sa BIR ....


Papaano ba natin ito titingnan?
Dun na lang tayo sa buwanan. Kung ikaw ay walang dependents at ang sweldo mo ay Php 25,000, ang dapat na buwis na babayaran mo ay Php 4,166.67


Ibig sabihin, diretsong 4,166.67 ang buwis mo sa 25,000 na sweldo mo. 
Eh ano naman ang mangyayari kung dahil sa kaka-OT mo ay nadagdagan ka ng 5,000? Magkano ang buwis ng 5,000 na yun? Ito ay 30% ng 5,000 o 1,500.

Ang buwis ng 30,000 ay 5,666.67
Ang  buwis ng 25,000 ay 4,166.67


Sa bandang huli, may punto nga siya. Habang mas lumaki ang sweldo mo, mas malaki rin ng porsyento nun ang napupunta sa buwis. 


-Maria





Thursday, May 2, 2013

Sino si Maria?

Ako ay isang babae na nakapagtapos sa isa sa mga unibersidad sa Metro Manila. 
(I am a woman who has graduated from one of the universities here in Metro Manila)


Naging mapalad at nakapagtrabaho sa magandang industriya. 
(I was lucky enough to get a job in a nice field)

Pitong taon na ako nagtra-trabaho at sa pitong taon na iyon, nalaman ko na hindi sapat na ipon ka lang ng ipon. 
(I've already worked for seven years and in those seven years, I've realized that saving is not enough.)

Hindi sasapat ang pera kung ganun lang ang gagawin mo. 
(Your money will not last if you just do that)

Maraming bagay na importante sa buhay. 
(There are many important things in life)

Ang sa akin ay ang magulang ko. 
(For me, it's my parents)

Lagi kong naiisip kung papano ko ba sila matutulungan. 
(I always think of ways to help them)

Papano kung magkaroon na ako ng sarili ko ring pamilya at hindi na magiging sapat ang sweldo ko para sa kanila at sa pamilya ko. 
(In the back of my head, there's this thought of having my own family. What if what i make wouldn't be enough for my parents and future family.)

Papano kung magkasakit sila? Wala namang health insurance kapag matanda na. 
(What if they get sick? I doubt any insurance company would take them on as clients.)

Ito ang dahilan kung bakit kailangang maging masinop, mag-impok at maging matalino sa paghawak ng pera. Ano ba ang importante sa iyo?
(These are the reasons why we have to be frugal, why we have to save at why we have to be smart in dealing with money. Again I say, what's important to you?)

-Maria

Magandang umaga!

Magandang umaga! 
(Good morning!)

Pagbati mula kay Maria.  
(Greetings from Maria.)

Ginawa ko ang blog na ito para sa ordinaryong tao. 
(I made this blog for the common person)

Ang nais ko ay matutong mag-ipon ang lahat ng Pilipino. 
(I would like that all Filipinos will learn to save)

Malaman kung papano mapapalago ang pera nila.
(Learn how they can grow their money)

Hindi ako eksperto sa paksa na ito. 
(I am not an expert on this.)

Kagaya rin ako ng karamihan dati. 
(I was just like a typical Filipino.)

Ang mga natitipid ko sa sweldo ko ay iniimpok ko lang sa bangko. 
(The little money that I save from my salary goes directly to the bank)

Pero nalaman ko na may mas magandang paraan pala na palaguin ang pera. 
(But I've realized that there are better ways to make your money grow)

Ilalagay ko dito ang mga natutunan ko. 
(I will chronicle here what I've learned.)

Hangad ko na maging malaya ang Filipino, maging malaya sa kahirapan. 
(It is my sincere hope that all Filipinos will be free--free from the chains of poverty)

Kaya natin ito. 
(We can make it.)

- Maria