Isa sa mga kakilala ako ang yumao na kanina.
Siya ay 27.
Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala siya ng husto. Siguro dahil mas bata siya sa akin at hindi kami naging magka-klase kahit minsan sa kolehiyo.
Ganun pa man, hindi ko maiwasan na malungkot.
Nabalitaan ko na lang na may kanser siya nung makapagtapos siya sa kolehiyo. Mga 7 o 8 na taon din siyang lumaban. Pero sa bandang huli ay kinuha na din siya ng Diyos.
Sa mga gantong pagkakataon, naiisip ko kung gaano kaikli ang buhay. Masyadong maikli para sayangin lang. Sa mga bagay na wala naman talagang kabuluhan.
Kaya para sa iyo Cacai, sana magkaroon ng katahimikan at lakas na loob ang iyong magulang na harapin ang bukas na wala ka.
Mami-miss ka namin.
No comments:
Post a Comment