Showing posts with label intro. Show all posts
Showing posts with label intro. Show all posts

Thursday, May 2, 2013

Sino si Maria?

Ako ay isang babae na nakapagtapos sa isa sa mga unibersidad sa Metro Manila. 
(I am a woman who has graduated from one of the universities here in Metro Manila)


Naging mapalad at nakapagtrabaho sa magandang industriya. 
(I was lucky enough to get a job in a nice field)

Pitong taon na ako nagtra-trabaho at sa pitong taon na iyon, nalaman ko na hindi sapat na ipon ka lang ng ipon. 
(I've already worked for seven years and in those seven years, I've realized that saving is not enough.)

Hindi sasapat ang pera kung ganun lang ang gagawin mo. 
(Your money will not last if you just do that)

Maraming bagay na importante sa buhay. 
(There are many important things in life)

Ang sa akin ay ang magulang ko. 
(For me, it's my parents)

Lagi kong naiisip kung papano ko ba sila matutulungan. 
(I always think of ways to help them)

Papano kung magkaroon na ako ng sarili ko ring pamilya at hindi na magiging sapat ang sweldo ko para sa kanila at sa pamilya ko. 
(In the back of my head, there's this thought of having my own family. What if what i make wouldn't be enough for my parents and future family.)

Papano kung magkasakit sila? Wala namang health insurance kapag matanda na. 
(What if they get sick? I doubt any insurance company would take them on as clients.)

Ito ang dahilan kung bakit kailangang maging masinop, mag-impok at maging matalino sa paghawak ng pera. Ano ba ang importante sa iyo?
(These are the reasons why we have to be frugal, why we have to save at why we have to be smart in dealing with money. Again I say, what's important to you?)

-Maria

Magandang umaga!

Magandang umaga! 
(Good morning!)

Pagbati mula kay Maria.  
(Greetings from Maria.)

Ginawa ko ang blog na ito para sa ordinaryong tao. 
(I made this blog for the common person)

Ang nais ko ay matutong mag-ipon ang lahat ng Pilipino. 
(I would like that all Filipinos will learn to save)

Malaman kung papano mapapalago ang pera nila.
(Learn how they can grow their money)

Hindi ako eksperto sa paksa na ito. 
(I am not an expert on this.)

Kagaya rin ako ng karamihan dati. 
(I was just like a typical Filipino.)

Ang mga natitipid ko sa sweldo ko ay iniimpok ko lang sa bangko. 
(The little money that I save from my salary goes directly to the bank)

Pero nalaman ko na may mas magandang paraan pala na palaguin ang pera. 
(But I've realized that there are better ways to make your money grow)

Ilalagay ko dito ang mga natutunan ko. 
(I will chronicle here what I've learned.)

Hangad ko na maging malaya ang Filipino, maging malaya sa kahirapan. 
(It is my sincere hope that all Filipinos will be free--free from the chains of poverty)

Kaya natin ito. 
(We can make it.)

- Maria